Ikalima ng abril taon dalawang libo at sampo.
Isang Napaka Lungkot na araw.
Busy si Mudra (Malamang Mother ko) sa Trabaho sa eskwelahan, Si Manul (Father ko) Ayun wala parin pakelam sa mundo. Samantala Si Jongjong (Utol ko) naman wala parin dito sa bahay mag-dadalawang araw na, wala na atang planong umuwi. 'mag-aasawa na daw sila ng syota nyang mukang katulong'; pagnag-pakasal na daw sila titira parin daw sila samin (astig diba?).
Finally ako. ito malamang alam mo nagtatype ako nito kalokohang note na to sa facebook.
ayon, gusto kong gumala pero wala naman pang-gala. outting? walang pang-gasulina. mag-inom? wala rin laman ang kabinet ko ng alak. kahit pambili ng isang stick ng yosi diyan sa kanto wala. kaya ito ginagawa nanaman akong isang Tiga (May Magtatanong nanaman nyan ano ibig sabihin ng tiga?) Tiga: Tiga Luto, Tiga Saing, Tiga Linis, Tiga Drive, Tiga Buhat. Yan po mga kaibigan Ang Tiga *bow*
Hay Buhay nga naman, Parang kelan lang nung kabataan ko pa. nagsisimulang matuto sa buhay. kung saan masaya at makulay pa ang buhay namin maganak. *ahem* pasensya na sa pagiging madrama normal na yan.
Siguro dito ko nalang naeexpress sarili ko (bakit nga ba hindi ako gumawa ng sarili kong blogspot no?), Minsan nakikinig nalang ako ng mga kanta na umaayon sa mood ko; Na pakiramdam ko e habang pinapakinggan ko ang mga kanta e mawawala nalang bigla ang problema.
Pero kahit na anong pakinig ko pa, hindi ko parin matatakasan ang problema. Sana Ang Buhay Parang Isang Hard-disk nalang. Na Pede Mung Burahin ung mga bagay na ayaw mo maalala o ang mga experyensya mo na masasama. Halimbawa nalang ung nagkaroon ka ng isang napakasamang araw siguro masaya kung may kakayahan kang i-system restore un at i-ayos ang mga nangyari sa araw na un. O Kung Nag-away man kayo ng girlfriend/syota/fling/o kung ano pa man gusto mong tawag sa 'babaeng kaibigan' basta ayun na un. Hay Kay saya sana ng buhay kung ganun.
Commercial:
Dumating na pala ang utol ko, Binato ang bag sa kama at humarap sakin na hanggang tengga ang ngiti.
At Masayang Masaya daw siya dahil nagkita nanaman daw sila ni inday.
Moving on. Kay Hirap nga naman hanapin ang sarili mo sa panahon ngayon, kung kelan napaka bilis ng panahon. na parang ang isang araw ay hindi sapat para may magawa kang matino *siguro akala mo patapon ang buhay ko no? :))*
Paano nga kaya kung ang buhay natin ay parang isang hard-disk?
Paano nga kaya?
Sige Hanggang Dito nalang Muna, Sa Susunod nalang Siguro. Pag-ginaganahan ulit ako magtype ng ganito sa facebook. (ang tanong gaganahan pa kaya ako?)
-Noel Christian
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment